WORDS OF WISDOM FROM MR. ANECITO BALINQUIT

Sa bawat trabaho o gawain ay may mararanasan tayong problema na sinusubok ang ating katatagan at kalooban, at meron din namang matatanggap na biyaya. Hindi rin sa lahat ng panahon ay mangyayari ang gusto nating mangyari; minsan taliwas ang mga nangyayari sa ating plano.

Gusto kong mag-iwan sa inyo ng ilang mga paalala upang kayo ay magpatuloy sa masiglang paggawa at masikap na pagtratrabaho.

“Appreciate and take care of your job. Many depend on it.”

Para saan o para kanino nga ba tayo nagtratrabaho? Hindi ba para sa ating pamilya? Kung nawawalan na tayo ng gana sa trabaho; isipin natin ang ating pamilya at gawin natin silang inspirasyon para pumasok sa trabaho.
Tulad ninyo, ang Philex at ang trabaho ko dito ang nakatulong sa akin para maitaguyod ko ang aking pamilya at mabigyan ang aking mga anak ng magandang kinabukasan. Sa katunayan, kamakailan lang ay napagtapos ko ang dalawa kong anak sa kolehiyo.
Pahalagahan at ingatan natin ang ating trabaho sapagkat ito ang pinagkukunan natin ng araw-araw nating pangangailangan.

 

“Problems go away when work distracts you.”

Gusto kong ibahagi sa inyo na minsan sa pagpasok natin sa trabaho ay nalilibang at panandalian nating nakakalimutan ang ating mga problema.
Ngunit huwag na huwag nating dalhin ang problema natin sa trabaho sapagkat maaring ito pa ang maging dahilan ng ating pagka-aksidente.

Discover The 3 Steps to Start A Profitable Online Blogging Business TODAY!
Discover The 3 Steps to Start A Profitable Online Blogging Business TODAY!

 

“When you have been in a job for a long time, you appreciate how important it is to know you are part of it.”

Para sa mga kaka-hire pa lamang, yung mga na-hire 5 months ago o 5 years ago, pagbutihin niyo ang pagtatrabaho at sikapin niyong magtagal sa trabaho. Dahil kapag tumagal kayo sa trabaho (tulad ko na old timer) napakasarap sa pakiramdam na nakikita mong lumalago at nagtatagumpay ang kompanya sa paglipas ng panahon. May maikwekwento at may maipagmamalaki ka sa mga nakababatang henerasyon na naging bahagi ka sa pag-unlad ng kompanya. Na isa ka sa mga tumulong at nakibahagi para marating ng kompanya ano man ang narating nito ngayon.

“Work helps workers get new responsibilities and get involved in their most important goals in life.”

Itong trabaho natin nagsisilbing training natin para matupad ang mga gusto natin sa buhay. Binibigyan tayo ng trabaho natin ng mga responsibilidad at tinuturuan tayo pano dumiskarte. Lalong-lalo na sa mga batang empleyado na marami pang mararating, magagamit ninyo ang experience ninyo sa trabaho para maabot ninyo ang mga pangarap niyo sa buhay.

Mr. Anecito Balinquit, Mill Operations General Foreman

IMG_5980

Advertisements
Categories:

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s